Almost a month know since my new job.
Ano ba to?? Makapagtagalog na nga. Sa trabaho nga puro ingles na eh!
Et na naman po ako. Nakikipagbangasan sa mga customers. Ewan ko ba at sa customer service ako napapunta eh allergic nga ako sa mga tao! pag minamalas nga naman! pero malaki naman ang sweldo, di na bale.
I've been taking calls for almost a week (four hours). Like 35 calls a day's the average. Mas madugo next week, 6 hours of calls. Pero mas madugo sa trabahong totoo, 8 hours. Pero maganda nyan sweldo na next friday! yeepee! mabibili ko na yung "The Hours" by Michael Cunningham.
Had great customers though, I've got two who congratulated me (one even called me "dear") , as far as I can remember. Di naman sa pagyayabang ano, I got an award of sorts after product training, tapos napuri pa ko ng Supervisor ko sa Learning Lab (un ung mga live calls ang tinatanggap namin)...kasi konti lang nalimutan ko sa call flow etc, tapos mga 7mins lang yung AHT ko (average handling time) ko. Nagtatagal lang naman kasi sa bill lang.
Meron namang tanong ng tanong kung para saan yung mga charges sa bill nya (pero may kopya naman sya), samantalang may detailed breakdown dun sa baba...ingles naman yung bill (at amerikano sila), di bale sana kung arabic o nihonggo or worse cyrilic yung bill!
Our trainor told us once, "even though they're americans they don't understand english!"
Should have told them to use smoke signals or flaming arrows instead! Wag na sila magtelepono, para walang bill.
May mga sobrang bait (nakakataba ng puso), subali't nandiyan din ang mga may katok sa ulo (nakakulo ng dugo). So everytime an irate/stupid customer makes a call, two choices automatically pop-up (very much like an RPG choice box)..."Kill." "Do Not Kill" and most of the time I'm inclined to choose "kill".