Are You One of Us?
1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon. [humanda na kayo...kampon ng kadiliman....]
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)
3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)
4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.
5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle,
prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
6. Pumunta ang mga taga-MILO sa skul niyo at namigay sila ng
samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.
9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP. [hahahaha!! totoo yan!!]
10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon) [hahaha...makikipag-away ako sa classmate pag di naka-laro! ]
11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!) [madami akong collection nyan]
12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle. [parang may nangyari din atang ganyan kay Hulk Hogan]
13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This. [can't touch this....tarararan...can't touch this]
14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!) [er..yan lang ang di ko napanood, inaantok ako lagi...]
15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image,Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!) [oo! hindi ko itinatanggi!]
16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)
17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid".
18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.
19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) [kabaong ni Barbie??]
20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.
21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flaunders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga) [ak! napakasakit kuya eddie!]
22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
ehehehe...gusto ko lang idag-dag...uso rin nun yung "Million Dollar Movies"(kung saan 2 beses kong napanood ang "The Fly"), Friday the 13th the Series, Mission Impossible the Series (kung saan may mga sumasabog na computer at mga taong nagpapalit ng anyo sa pamamagitan ng rubber masks na mukhang totoong-totoo at sa end ng bawat episode tinatanggal nila ito), Steven Spielberg's Amazing Stories, Star Trek (to boldly go where no one has gone before! tanananan!) Eerie Indiana (wag mong sabihing hindi mo kilala sina Marshall at Simon at ang napaka wirdong lugar ng Eerie, Indiana POP 800), He-Man & The Masters of the Universe (ang walang kamatayang "I have the Pooooweeeeerrr!") Conan the Barbarian, yung War of theWorlds (kung saan malalaman mong ang isang tao ay na-assimilate na ng alien kapag kumakain na sila ng damo sa backyard at may extra hand na lumalabas sa dibdib!)
nandyan din ang tanong na "Who killed Laura Palmer?"ng Twin Peaks (nagpa-contest pa ang ABS noon kung sino makaka-hula sa killer - napag-alaman sa huli na yung ama pala nya ang salarin na na-possess ng ispiritong nag-ngangalang "BOB"!). Ito rin ang mga panahon kung kailan si tatay ay adik sa NYPD Blue at Forever Knight (kung saan ang bida ay isang pulis na bampira na may stock ng dugo sa ref nya!) At sino ba ang makakalimot sa "Baywatch" (na pinagbibidahan ni David Hasselhoff - tama ba spelling?) Tapos dumating pa ang The Uncanny X-Men (tanananan-nanan...tanananan!) Nung mga panahong yun eh ang basa pa namin sa Wolverine eh "Wolver-rayn"...ahahaha...
ito rin ang panahon kung kailan naisipang patayin ng DC Comics si Superman, at ng Marvel Comics si Ghost Rider. :(
At sino ba ang hindi nakarinig sa Operation Desert Storm at Desert Fox (uy, may t-shirt ako nun...hehehe), ang "Invasion of Kuwait"....? and on 1993? 1991? yung Bosnian War.
No comments:
Post a Comment